NDRRM may malaking poproblemahin — solon

Rep. Ralph Recto

NI NOEL ABUEL

Malaki ang kakaharaping problema ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) sa mga darating pang kalamidad na maaaring tumama sa bansa.

Ito ang sinabi ni Batangas Rep. Ralph Recto kung saan ang pondo ng NDRRM o mas kilalang Calamity Fund ay hindi makasasapat para sa mga gagawin pang rehabilitasyon kasunod ng tumamang magnitude 7.3 sa Luzon.

Aniya, sa simula pa lamang ng taon, ang pondo ng ahensya ay P20.7 bilyon, P20 bilyon sa 2022 at P700 milyon naman sa simula ng 2021.

“As of June 30, releases have reached almost P6 billion, and if the P1.9 billion in earmarked allocations will be added, the disbursable amount left is P12.8 billion, the amount inherited by President Marcos,” sabi ng mambabatas.

“But we are just in the opening weeks of the calamity season. And instead of a typhoon, a powerful earthquake was the opening act. If the P12.8 billion will be used to fund the relief and repair work in earthquake-hit areas, it will leave the NDRRMF depleted, unable to respond to the typhoons that will surely hit us,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Recto na maaaring gamitin ng Pangulo ang P7 bilyon ng Contingent Fund para sa taong 2022 na kilalang national emergency fund.

Sakali naman aniyang hindi pa ito sumapat ay maaari namang maglaan ang Kongreso ng dagdag na pondo para sa pagpopondo ng proyekto.

Leave a comment