DOLE naglaan ng P50M emergency employment sa CAR at Region 1

NI NERIO AGUAS

Naglaan na ng inisyal na P50 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para magamit sa emergency employment sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang aksyon ng DOLE ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumulong ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para sa mga calamity-hit provinces sa Region 1 at sa Cordillera Administrative Region.

Sinabi ni Laguesma na sisimulan ng DOLE ang programang rehabilitasyon sa mga nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng lindol.

“In particular, we are rolling out the Tulong Panghanapbuhay sa Ating  Disadvantaged/ Displaced Workers program for the quake victims,” sabi ng kalihim.

Paliwanag pa ni Laguesma, ang tulong ay ipagkakaloob sa apat na munisipalidad na labis na naapektuhan ng lindol sa CAR kabilang ang 37 barangay kung saan sinimulan na aniya ang pagtukoy sa magiging benepisyaryo ng TUPAD program.

Ang DOLE ay aktibong miyembro ng Rehabilitation and Recovery Cluster sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 Ayon pa kay Laguesma, tutukuyin ng DOLE ang iba pang recovery measures kabilang pagsasaayos ng trabaho sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) sa mga inidbiduwal na nawalan ng trabaho.

“The activity will include referral, placement, and the conduct of Special Risk Allowance (SRA) and job fairs in the region,” sabi ni Laguesma.

Sa Region 1, ang tulong na ibibigay ng DOLE sa Ilocos Sur ay 800 emergency workers na lalahok sa paglilinis at recycling operations sa Vigan City gayundin sa mga bayan ng Lidlidda, Sugpon, Caoayan, San Emilio, Galimuyod at Santa Cruz.

 “They started working yesterday (July 28) to provide help to affected communities,” sabi pa Labor secretary said, na sinabing kabuuang P4,666,400.00 ang inilaan sa programa.

Leave a comment