
NI NOEL ABUEL
Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng standard tourism signs and symbols ang bansa upang mapabuti ang kamalayan sa pagkakaroon ng iab’t ibang tourist sites ang bansa.
Sa House Bill no. 2048 o ang “Tourism Signs and Symbols Act of 2022” na inihain ni Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, ang Department of Tourism (DOT) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang naatasang gumawa ng tamang sukat, kulay at gagamiting materyales na susundin sa paglalagay ng tourism signs and symbols.
Ayon pa sa mambabatas, ang tourism industry ang may pinakamalaking tulong sa pag-unlad ng bansa kung saan noong 2018 tumalon sa P2.2 trillion mula sa P1.9 trillion ang kinita noong 2017.
Idinagdag pa ni Tutor na kailangang gamitin ng pamahalaan ang tourism industry para lumaki ang socio-economic growth upang makabuo ng mamumuhunan, foreign exchange at trabaho.
Sinabi pa nito na sa pagkakaroon ng global internet technology, parami nang paraming tao ang mas maraming tao na ang tumitingin ng mga tourism destinations sa iba’t ibang bahagi ng mundo kung kaya’t dapat na maging kakaiba at magkaroon ng sariling imahe ang Pilipinas sa turismo.
“Thus, the country needs to capitalize on the movement of persons through tourism, and one way of making the Philippines a viable choice is to ensure the safety, security, and comfort of the tourists,” sabi ni Tutor.
