Kooperatiba isama sa public land grant beneficiary – Sen. Escudero

Sen. Chiz Escudero

Ni NOEL ABUEL

Nagpaalala si Senador Chiz Escudero na dapat ding isama sa mga benepisyaryo ng public agricultural land ang mga kooperatiba sa bansa.

 Ayon sa senador, ang mga kooperatibang may mahusay na track record sa listahan na maaaring makatanggap sa 52,000 ektaryang unused public agricultural lands na tinukoy ng Marcos administration na layong ipamahagi na naaayon sa Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988 as amended.

Giit pa ni Escudero, tiwala itong mayroon pang natitirang espasyo para maisama ang mga kooperatiba sa magiging benepisyaryo ng lupa na ipapamahagi ng pamahalaan.

“I believe there is room for people who have made a living in tilling the land. If we are going to mobilize farmers to ramp up food production, then let us begin with those who have the expertise. In our war against hunger and poverty, let us tap those with experience and proven track records,” sabi ng senador.

Sinabi pa ng three-term legislator na maaari pang gawing mga demonstration farm ng gobyerno ang mga lupang bubuhayin ng mga farmer cooperatives para ipakita ang kagalingan ng mga ito sa pagtatanim.

“Kapag ginawa ng gobyerno ‘yun, parang may extension work at technical assistance na hindi gagastos ang pamahalaan. The set up can be viewed as intra-communal transfer of know-how, of farmers mentoring their own kind,” aniya pa.

Binigyan-diin ni Escudero na ang igagawad na lupa ay hindi lang bilang “social justice program” na isang food security initiative at iminungkahi na ang mga benepisyaryo ay gagamitin ang malapit nang ipamahagi na lupang pang-agrikultura para sa pagtatanim.

“Bakit ba tayo mamimigay ng lupa? Ito ay upang taniman at makadagdag sa food supply. Actually, ang isang conditionality dapat ng grant na iyan ay sakahin iyon upang makapag-produce ng pagkain,” sabi pa ng senador.

Leave a comment