
NI NOEL ABUEL
Tiwala si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla na malaki ang maitutulong ng disiplinadong paggalaw sa pagtugon sa mga kalamidad tulad ng lindol na yumanig sa Hilagang Luzon ang pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps (ROTC).
Ito ang sinabi ni Padilla kung kaya’t ihinain nito ang Senate Bill 236, o ang pag-reinstate ng Mandatory ROTC.
“Kung buo ang ROTC natin, ang daling tawagin. Pag tinawag mo, organisado na sila, naka-platoon na sila, ang dali na silang utusan. Meron lang sinusunod na discipline, meron nang commander,” idiniin ni Padilla sa isang panayam.
“Sa akin, hindi pinag-uusapan ang military training. Magkaroon lang tao ng organized,” dagdag ng mambabatas, na nagsilbi bilang reserve officer sa Philippine Army.
Idiniin ni Padila na kailangan ang disiplina at command structure para mabilis at maayos ang pag-mobilize ng tulong.
Sa SB 236, ibabalik ang ROTC bilang requirements sa undergraduate degree o diploma programs sa pampubliko at pribadong tertiary-level na paaralan.
“The restoration of the ROTC program will arm our youth with the competence and readiness required in serving our country to ensure the security of the State and our people,” ani Padilla sa panukalang batas.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang Basic ROTC Program ay may pagsasanay sa External and Territorial Defense; Internal Security, Peace and Order and Public Safety; Disaster Risk Reduction and Management at Human Rights and Humanitarian Law.
Exempted naman ang mga “physically or mentally unfit to render military service,” at ang persons with disability (PWDs), at mga na-convict sa criminal offenses involving moral turpitude.
Exempted din ang mga may isyu dahil sa pananampalataya, at ang mga dumaan na sa “similar military training from a previous undergraduate degree or diploma program.”
