13 distressed OFWS dumating sa bansa

NI NEILL ANTONIO

Sinalubong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 13 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Sri Lanka na kabilang sa inilikas ng mga ehensya ng pamahalaan.

Ang nasabing mga repatriates ay kinabibilangan ng anim na kababaihan at dalawang kalalakihan at dalawang menor-de-edad na bahagi ng 114 Filipinos na nagpahayag ng intensyong makabalik na ng Pilipinas dahil sa nararanasang economic crisis sa Sri Lanka.

Nabatid na ang 13 Filipinos, na ang return tickets ay pinondohan ng DFA ay dumating sakay ng commercial flight mula Colombo.

Ang mga ito ay 1st batch ng mga returnees mula Sri Lanka at inaasahang mas marami pa ang darating sa bansa sa mga susunod na araw at linggo.

Sinabi pa ng DFA na planong makumpleto ang paglilikas sa 114 Filipinos sa ikalawang linggo ng buwan ng Agosto kung walang magiging aberya.

Nabatid na ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs,  kasama ang Philippine Embassy in Bangladesh at ang Philippine Honorary Consulate General sa Colombo, ang nagtutulungan para mag-monitor ang sitwasyon sa nasabing bansa at maasisteahan ang mga Filipino sa Sri Lanka.

Ayon pa sa DFA, kasalukuyan nang isinasaayos ang pamamahagi ng financial assistance sa  mga apektadong OFWs.

“The DFA continues to assist all distressed Filipinos overseas, including undocumented contract workers. We are coordinating with the Department of Migrant Workers (DMW) and other concerned agencies during this transition period, as the DMW sets up its Migrant Workers Offices abroad,” sabi i Foreign Affairs Acting Undersecretary Eduardo Jose A. de Vega.

“The DFA shall always stand ready to assist in repatriating distressed Filipinos, true to our mandate of being guardians of the welfare of our overseas kababayan,” dagdag pa nito.

Leave a comment