
NI NERIO AGUAS
Binawian na ng buhay si dating Pangulong Fidel V. Ramos matapos tamaan ng COVID-19 habang nagpapagamot sa Makati Medical Center.
Si Ramos, na kilala sa alyas na FVR ay 94-anyos nang mamaalam sa mga Filipino ay naging pangulo ng bansa noong 1992 hanggang 1998 at ika-12 Pangulo ng Pilipinas na sinasabing nasa likod ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa at tinawag ang Pilipinas bilang “Tiger economy”.
Bago naging Pangulo, si Ramos ay isang military man na “rose from the ranks” kung saan una nitong naging pinuno ng Philippine Constabulary bago naging Vice Chief-of-Staff of the Armed Forces of the Philippines sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Isa rin ito sa naging imahe ng 1986 EDSA People Power Revolution nang tumalikod ito kay Marcos at sumama sa kabilang partido noong ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Matapos ang panunungkulan nito, ay nanatiling nasa pulitika si FVR subalit hindi ito madalas makita sa telebisyon dahil sa abala ito hanggang sa pagiging ordinaryong mamamayan.
