Turismo sa Sipalay, Negros Occidental bubuhayin ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Ipinagmalaki ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na ang 3.5-kilometrong kalsada sa Sipalay, Negros Occidental na makakatulong sa turismo ng nasabing lalawigan.

Ayon sa DPWH, madali nang mararating ang mga puting buhangin at iba pang mga potensyal na destinasyon ng turista sa Sipalay dahil sa maayos na kalsada patungo rito.

Sinabi ni DPWH Region 6 Director Nerie D. Bueno na ang proyekto ay kinabibilangan ng pag-upgrade ng coastal road na magiging kongkreto at magtatayo ng slope protection, paglalagay ng mga metal guard rail, at pagkakaloob ng mga post at hazard marker at reflectorized thermoplastic pavement markings.

Tatawirin nito ang coastal barangay ng Cayhagan, ang bagong sementadong kalsada ay naglalayong pasiglahin ang mas maraming aktibidad sa ekonomiya sa lugar na isinasaalang-alang ang potensyal nito sa turismo, agrikultura, at marine development.

“With this upgraded coastal tourism road, various beaches in the area may be converted into tourism sites that will eventually provide job opportunities among locals,” sabi ni Bueno.

Idinagdag pa nito na mapapaunlad ang agrikultura sa lugar at mapapabuti rin dahil sa mababawasan ang oras ng paglalakbay at gastos sa paghahatid ng mga produktong agrikultural at marine products sa merkado.

Sinimulan na rin ng DPWH Negros Occidental 3rd District Engineering Office ang pagsesemento sa 2-kilometrong bahagi ng kalsada noong 2020 na may alokasyon na P40 milyon, habang ang natitirang 1.5 kilometro ay natapos noong Marso ngayong taon na nagkakahalaga ng P30 milyon.

Leave a comment