Good Samaritans dapat proteksyunan–solon

Rep. Jude Acidre

NI NOEL ABUEL

Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang bigyan ng proteksyon ang mga good Samaritans sa panahon ng kalamidad o emergency.

Sa House Bill (HB) No. 1949 o ang “Good Samaritan Act of 2022 na inihain nina Tingog party list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, sinabi ng mga ito na mahalagang mabigyan ng proteksyon ang mga tinaguriang good Samaritans na tumutulong sa panahon ng emergency mula sa legal liability na maaaring kaharapin nito.

 “This will seeks to support individuals who sought to assist during times of emergencies by protecting them from legal liability if their aid was useful and appropriate to the situation’s de-escalation,” ayon sa panukala.

Ang “Good Samaritan Act of 2022” ay tatalakayin na kasunod ng pagdadala sa Committee on People’s Participation.

“With the present number of people within the country, there are bound to be situations where civilian assistance will not only be valuable but necessary to ensuring safety of the populace,” anila.

Paliwanag ng mga mambabatas, may ilang sitwasyon na nagdadalawang-isip na tumulong ang isang sibilyan subalit nangangamba na nababaligtad at napapasama pa.

Sa ilalim ng HB 1949 ang “good Samaritan” ay isang indibiduwal na gumagawa ng boluntaryong serbisyo subalit hindi tumatanggap ng anumang kompensasyon sa pagtulong.

Leave a comment