DOH, LGUs at civic organizations magtulungan vs monkeypox – Rep. Duterte

NI NOEL ABUEL

Kailangang magtulungan ang Department of Health (DOH) at ng mga local government units (LGUs) at civic organizations para ipakalat ang impormasyon hinggil sa epekto ng monkeypox.

Sinabi ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na dapat na magpatupad ng heightened community-based public awareness campaign hinggil sa monkeypox kasunod na rin ng pagkumpirma ng DOH na unang kaso ng viral infection sa bansa.

Ayon sa kongresista, kailangang ipalaam sa publiko hanggang sa komunidad kasama na ang mga barangay officials ang kampanya laban sa sakit na monkeypox at sintomas nito at kung papaano itong matutukoy, malilipat, maiiwasan at malulunasan upang maiwasan ang local transmission ng sakit.

“Educating our countrymen at this stage will help the DOH in its public surveillance and prevention efforts. It will also clear up misconceptions about monkeypox that could lead people to become lax in following health protocols,” sabi ni Duterte.

Inihalimbawa nito ang maling impormasyon na ang monkeypox ay nakukuha sa pamamagitan ng sexually transmitted kung saan mismong ang World Health Organization (WHO) at ang US Centers for Disease Control (CDC) ang nagkumpirmang maipapasa ang virus sa pamamagitan ng close contact. 

Idineklara na ng WHO ang monkeypox outbreak matapos na makapagtala ng 18,000 kaso mahigit sa 70 bansa ngayong taon kung saan ang Europe ang natukoy na epicenter ng sakit.

Sinabi pa ni Duterte na magagawa lamang na mapigilan ang outbreak kung tamang impormasyon tungkol sa sakit at makakatulong na maiwasan ang pagkalat ng monkeypox.

“Educating the public will also help eliminate the stigma that might be associated with monkeypox and encourage people  with possible infections to come forward instead of remaining undetected. This will also prevent panic in the event that the virus is detected elsewhere within our borders,” paliwanag ni Duterte.

Leave a comment