
NI NOEL ABUEL
Magandang balita para mga mahihirap ang panukalang batas sa Kamara na naglalayong bigyan ng libreng gamot ang mga ito.
Ito ay sa oras na maging batas ang inihaing House Bill no. 2514 o ang Free Medicine for the Poor Bill ni Quezon City 5th district Rep. PM Vargas.
“Public health remains a primary concern amid the pandemic. To a poor Filipino family, free prescription drugs can save a life especially in dealing with otherwise curable and preventable diseases,” sabi ni Vargas.
Ang HB 2514 ay naglalayong palawigin ang Libreng Gamot Para sa Masa Program (LINGAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na inilunsad noong Marso 2017 sa anim na pagamutan sa buong bansa na nagkakaloob ng free access to prescription medicines ang mga mahihirap.
Hanggang Hunyo 2018, ang programa ay lumawak na sa 29 ospital sa buong bansa at nasa 64, 778 indigent patients ang nakinabang dito.
“We hope more Filipinos will benefit from this important public health program. Filipino families, especially the poor, deserve to live a life where simple curable diseases cannot be hindrance to opportunities ahead of them,” ayon pa kay Vargas.
Ang “Free Medicines for the Poor” Bill ay nag-aatas sa lahat ng government district hospitals, local health units, at barangay health centers sa lahat ng syudad at munisipalidad na magkaloob ng libreng gamot sa mahihirap.
Sa kanyang panukala, sinabi ni Vargas na sa pag-aaral na ginawa ng World Health Organization (WHO) na pangunahing dahilan ng kamatayan sa low-income countries ay mabisang gamutan sa pamamagita ng mahahalagang gamot.

Libreng gamot para sa mahihirap
LikeLike