Tulong sa OFWs at kanilang pamilya ipinanawagan sa pamahalaan

Rep. Marissa del Mar Magsino

NI NOEL ABUEL

Nanawagan ang isang kongresista sa pamahalaan na tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang iiwang pamilya partikular ang mga anak.

Ayon kay OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, malaking sakripisyo ang dinaranas ng mga OFWs at kanilang pamilya dahil sa matagal na paghihiwalay.

Aniya, ang mga kabataan ang higit na nakakaranas ng socio-emotional at iba pang problema sa pag-iisip dahil sa pagkakahiwalay sa magulang na magtatrabaho sa ibang bansa.

“Migration of one parent or both is a very agonizing time for children, and they become prone to emotional, psychological, and behavioral problems. Lacking sufficient parental guidance, as the parent left behind assumes both paternal and maternal responsibilities, the children become self-doubting and rebellious. Many are hooked on illegal drugs and similar pernicious vices,” sabi ni Magsino.

“Kaantig-antig ang mga istorya ng ating mga OFWs. Bukod sa bigat ng trabaho sa ibang bansa, iniinda nila ang mga problemang namumuo sa kanilang mga kabahayan dahil sa pagkakawatak-watak ng pamilya,” dagdag nito.

Ipinunto rin ni Magsino na ang mga hamon na ito ang nangungunang pahirap sa mga OFW sa host country tulad ng illegal recruitment, contract-switching, hindi pagkakaloob ng mandated benefits, mataas na placement fee at gastos ng iba mga kinakailangan sa regulasyon, pisikal, emosyonal, at sikolohikal na pagmamaltrato, maling mga kasong kriminal at labag sa batas na pagkakakulong, at human trafficking.

Dagdag pa ng mambabatas, ang kalagayan ng mga OFWs ay pinalala ng mabagal na pagtugon, kung hindi man pagpapabaya, ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at mga opisyal ng konsulado o embahada ng Pilipinas sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Sinabi pa ng mambabatas na ang mga OFWs ay tinuturing na mga modernong bayani dahil sa kanilang mga ipinadadalang remittances, na nagpapanatili sa ekonomiya ng bansa, ngunit ang kanilang mga personal na karanasan ay nagsasabi ng ibang kuwento ng pagtrato ng gobyerno – sila ay madalas na naiiwan para sa kanilang sarili kapag sila ay nakatagpo ng mga hamon sa kanilang mga host na bansa.

Hinimok nito ang gobyerno na maging mas maagap sa mga patakaran at programa sa pagprotekta hindi lamang sa mga OFWs, kundi sa mga pamilyang kanilang iniiwan.

Hinikayat din nito ang gobyerno na maging mas agresibo at tumutok sa paglikha ng mga lokal na oportunidad sa trabaho na may sahod na maihahambing, kung hindi man katumbas, sa mga suweldo na maaaring kitain sa ibang bansa upang mapanatili ang ating labor migration at mabigyan ang mga nais bumalik sa bansa na may handang pagkakataon.

Samantala, pinuri ni Magsino sa appointment ni Secretary Susan ‘Toots’ Ople bilang pinuno ng Department of Migrant Workers (DMW).

“The appointment of Ms. Susan ‘Toots’ Ople as Secretary keeps aflame our hope. I have met with Secretary Ople on several occasions to establish a strong and effective partnership between the Department and the OFW Party List. With the complex problems besetting our OFWs, it is about time we have a Super Agency devoted to them, ably steered by a Super Secretary,” sabi pa ni Magsino.

Leave a comment