Baha sa Cavite pinasosolusyunan ni Senador Revilla sa DPWH

NI NOEL ABUEL

Umapela si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na solusyunan na sa lalong madaling panahon ang nararanasang pagbaha sa ilang bahagi ng Cavite partikular ang nasa mababang lugar.

Sa organizational meeting ng Senate Committee on Public Works kung saan chairman ng nasabing komite si Revilla, nanawagan ito sa DPWH na magtayo ng flood control project sa Bacoor upang tuluyan nang mawala ang pagbaha dito.

“Pagtulung-tulungan natin ‘yan, paulit-ulit na. Pinagtatawan na kami ng mga Caviteno, marami kaming senador na taga-Cavite, may kapitbahay pa kaming taga-Las Pinas,” apela pa ni Revilla.

 Paliwanag pa ni Revilla, ang Bacoor ay flood basin mula sa matatas na lugar tuwing umuulan kung saan kahit umano high tide ay agad na bumabaha.

 Sinabi naman ng DPWH na sa kasalukuyan ay natapos na ang Bacoor at Imus retarding base na may lawak na 9 na ektarya at 35 ektarya noong nakalipas na buwan ng Marso 2022.

 Idinagdag pa ng DPWH na kailangang magkaroon ng Bacoor river basin flood control na 1.4 kilometers floodway na kakailanganin ng P2B pondo. 

Leave a comment