
NI NOEL ABUEL
Dismayado ang isang kongresista na mistulang balewala ang isinagawang road-widening projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil sa nakahambalang na electrical post sa gitna ng kalsada.
Kaugnay nito, inihain ni Pinuno party list Rep. Howard Guintu ang House Resolution No. 215, na nananawagan sa House Committees on Energy at Public Works para magsagawa ng imbestigasyon kung sino ang dapat managot sa nakahambalang na electric posts.
“While we appreciate the road-widening projects meant to improve the traffic situation in Metro Manila, there are some projects that have been poorly implemented, including one in the Sto. Domingo area in Quezon City that recently became viral on social media,” ayon kay Pinuno party list Rep. Howard Guintu.
“Useless itong road-widening project na ito dahil may mga poste ng kuryente na naiwan sa gitna ng daan. Hindi madaanan ng mga sasakyan ‘yong bagong lane kasi hindi naman tinanggal at nilipat sa gilid ‘yong mga poste. So rather than having five passable lanes for our motorists, the improper placement of these electrical posts makes the outermost lane completely and utterly useless,” dagdag nito.
Nakapanghihinayang aniya ang malaking pondo ng taumbayan na ginamit sa pagsasaayos sa pagpapalawak ng lansangan bilang solusyon sa trapiko dahil sa hindi naman madaaan ito.
“We laud the government’s efforts to alleviate traffic in the metro as we have seen how much it has prioritized road-widening projects, but this is just a waste of a perfectly passable lane, defeating very the purpose of the road widening project,” sabi ni Guintu, miyebmro ng House Committee on Metro Manila Development.
Aniya, sa halip na makatulong sa mga motorista at commuters ang road-widening projects ay balewala ito dahil sa hindi naman nadadaanan.
“Sa halip na makatulong sa mga motorista at commuters, naging aksaya lang ito sa pera na galing sa kaban ng bayan. Nagamit pa sana sa ibang project at sa mas maayos na paraan ‘yong pondo na ginamit sa project na ito,” giit ng kongresista.
Idinagdag pa ni Guintu na malaking bagay sana ang bike lane para madaanan ng mga nagbibisikleta gayundin ang motorcycle riders lane ngunit nangangamba ang mga ito na maaksidente dahil sa nakahambalang sa gitna na poste ng kuryente.
