Quezon 2 beses nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkasunod na paglindol ang lalawigan ng Quezon kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa datos na inilabas ng Phivolcs, dakong alas-9:20 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.5 na lindol na natukoy sa layong 042 km hilagang-silangan ng Panukulan, sa Quezon.

May lalim itong 001 km at ang origin ay tectonic.

Sa instrumental intensities, naitala ang intensity II sa Polillo, Quezon.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na may nasirang bahay at iba pang ari-arian dahil sa mahina lamang ang paglindol.

Ganap namang alas-10:19 ng umaga nang muling yanigin ang nasabing probinsya sa lakas na magnitude 3.6 sa layong 042 km sa Panukulan (Quezon).

Samantala, naitala rin ang magnitude 3 sa Bayabas, Surigao del Sur dakong alas-3:43 ng madaling-araw ngayong araw.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong  006 km hilagang-silangan ng Bayabas, Surigao Del Sur at may lalim na 021 kms at tectonic ang origin.

Leave a comment