Mas agresibong pagbabakuna iginiit ng kongresista

NI NOEL ABUEL

Sa gitna ng pagbubukas ng na face-to-face classes sa bansa ay dapat na mas paigtingin pa ng pamahalaan ang mas agresibong pagbabakuna upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at ng iba pang variants nito.

Sinabi ni Anakalusugan party list Rep. Ray Florence Reyes, mahalaga na magkaroon ng mas maraming COVID-19 vaccination sites sa lalong madaling panahon.

“We need vaccination sites that are accessible to children as schools reopen, such as walk-in booths in schools itself. Mere photo ops of random vaccination rollouts and sites to encourage increase in inoculation, will no longer work that much,” ani Reyes.

Sinabi nito na noong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binanggit nito na wala nang ipatutupad pang lockdowns sa bansa.

Ngunit iginiit nito na bagama’t makakatulong sa pag-angat sa ekonomiya ang pahayag ng Pangulo, hindi pa rin aniya  mailaalis ang pangambang may banta pa rin ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ang pagbabakuna sa mga may edad na 5 hanggang 11-taong gulaang, ay nananatiling mababa na nasa 4.2 milyon. 

Noong Marso 2022, tanging 9.7 milyong kabataaan na may edad na 12 hanggang 17-anyos ang nakatanggap na ng full doses.

Samantala, sa kabuuang 71 milyong Filipinos nasa  16 milyon pa lamang ang nakatanggap ng kanilang booster shots.

“It should be highlighted that vaccine efficacy wanes after six months, yet the numbers of boosted individuals aren’t even half of the fully vaccinated population. Many of our citizens, including industries, are still coping and struggling with the crippling impacts of this pandemic,” sabi pa ni Reyes.

Nakakapanghinayang umano na milyun-milyong doses ng bakuna na nasa cold storage facilities ang nag-expire na kung saan dalawang milyong doses noong Hunyo at 27 milyon noong Hulyo.

Ayon umano kay dating Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, nasa 4 milyong bakuna na binili ng pribadong sektor, na nagkakahalaga ng mahigit sa P5B ang nag-expired.

Ito ang dahilan ni Reyes upang ihain ang House Resolution No. 00192 na nananawagan na imbestigahan ang pagbabakuna ng pamahalaan.

“These vaccines, I would like to emphasize, are wasted opportunities to ensure the health of Filipinos – chances we have lost in saving lives; resources we could have spent to save more,” sabi pa nito.

Leave a comment