
Ni NOEL ABUEL
Ito ang pahayag ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa ginanap na public hearing ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation hinggil sa mga naisumite at nakabinbing panukala na naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang eleksiyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan.
Binigyang diin ni Revilla na panahon at salapi ng taumbayan ang ginagamit na paghahanda sa nakatakda sanang halalan na dapat nang desisyunan sa lalong madaling panahon.
Nabatid na patuloy na naghahanda ang Comelec hangga’t walang batas na siyang pipigil kaya panahon na para iresolba kung tuloy o hindi ang eleksiyon ayon kay Revilla.
