Abra niyanig ng magnitude 5.2

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang ilang lugar sa lalawigan ng Abra at ilang karatig probinsya nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-2:27 ng madaling-araw ngaying Agosto 28 nang maramdaman ang lindol na natukoy sa layong 012 kms silangan-kanluran ng Pilar, Abra.

May lalim itong 004  km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity V sa Pilar, Bangued at Bucay, Abra habang intensity IV sa Banayoyo, Ilocos Sur; San Fernando, La Union.

Samantala, sa instrumental Intensities; naramdaman ang intensity V sa Bangued, Abra; Vigan City, Ilocos Sur; intensity III sa Sinait, Ilocos Sur; intensity II sa Gonzaga, Cagayan; Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte; intensity I sa Claveria at Penablanca, Cagayan; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; San Jose, Nueva Ecija; Urdaneta, Infanta at Sison, Pangasinan; Madella, Quirino.

Sinabi pa ng Phivolcs na ang nasabing lindol ay aftershock ng magnitude 7.2 na lindol noong Hulyo 27.

Inaalam pa kung may nasirang mga ari-arian o bahay dahil sa lindol kung saan inaasahan pa ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment