
NI MJ SULLIVAN
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mga paglindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ilan sa mga paglindol na naitala ngayong araw ay naitala sa Tawi-tawi kung saan naitala ang magnitude 4.7 sa Richer scale dakong alas-4:32 ng madaling-araw na natukoy sa layong 288 km timog-silangan ng South Ubian, Tawi-tawi.
May lalim itong 617 kms at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga gusali at bahay dahil sa lindol at walang inaasahang anumang aftershocks.
Samantala, ganap namang alas-12:58 ng madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 4.5 na lindol sa Davao Oriental.
Natukoy ang layo nito sa 055 km timog silangan ng Tarragona, Davao Oriental at may lalim na 164 kms at tectonic ang origin.
Muli namang nilindol ang lalawigan ng Abra sa lakas na magnitude 3.5 na naramdaman dakong alas-2:57 ng hapon.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 002 km timog silangan ng Pilar, Abra at may lalim na 009 kms at tectonic ang origin.
Naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Bangued, Abra.
Ayon sa Phivolcs ang lindol sa Abra ay aftershock ng naitalang magnitude 7 na lindol noong Hulyo 27.
