
NI NOEL ABUEL
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulitikong sumasanib sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) matapos na 13 alkalde mula sa Eastern Samar ang nanumpa para maging kasapi ng nasabing partido.
Pinangunahan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang panunumpa sa 13 alkalde ng Eastern Samar bilang mga bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) sa Social Hall ng Speaker’s Office.
Kabilang sa mga alkalde na nanumpa sa Lakas-CMD sina Hernani Mayor Amado De Lira Candido; San Policarpio Mayor Conrado Uy-Nicart lll; Mercedes Mayor Edwin Quiminales, Salcedo Mayor Ma. Rochelle G. Mergal, San Julian Mayor Dennis Estaron at Oras Mayor Roy Ador.

Gayundin sina Llorente Mayor Daniel Boco; Maslog Mayor Heraclio Santiago; Giporlos Mayor Gilbert Isaig Go; Balangiga Mayor Dana Flynch De Lira; Quinapondan Mayor Rafael Asebias; Balangkayan Mayor Edith Anne Contado Basco at Lawaan Mayor Athene Mendros.
Naging saksi sa nasabing panunumpa sina House Majority Leader Manuel Jose Mannix Dalipe at Eastern Samar Rep. Fe Abunda.
Dahil dito, umakyat na sa Lakas-CMD 79 ang bilang ng mga kongresista at alkalde ang sumanib sa nasabing partido.
