
NI KAREN SAN MIGUEL
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Catanduanes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-4:54 kaninang hapon nang maitala ang lindol na ang sentro ay sa bayan ng Baras, ng nasabing lalawigan.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 049 kms. timog-silangan ng Baras at may lalim na 006 km at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity IV sa Baras at sa Gigmoto, Catanduanes habang intensity III sa bayan ng Bato, Catanduanes.
Wala namang naitalang nasirang ari-arian at gusali sa nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
