Kongreso tutulong kay PBBM sa usapin ng Pinoy nurses — solon

NI NOEL ABUEL

Tinitiyak ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na makikipagtulungan ang Kongreso sa executive branch para masolusyunan ang suliranin ng mga nurses.

Ito ang sinabi ng kongresista base sa naging pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga nurse na gagawin nito ang lahat para matulungan at madinig ang  mga isyu ng nursing profession kasabay ng pagdiriwang ng 100th anniversary ng Philippine Nurses Association, Inc.

“Makakaasa ang bansa na makikipagtulungan tayo sa Pangulo upang mapatotoo ang matagal nang inaasam ng ating mga nurse na mapabuti ang kalagayan nila, pangunahin na ang pagpapataas ng kanilang sahod,” sabi ni Nograles, chairman ng House Committee on Labor.

“We in the legislative will look at how we can intervene to establish a better working environment for our nurses. Ang dami nating nurse, ngunit hindi napupunan ang mga pangangailangan natin sa ating mga health institution dahil sa samu’t saring dahilan. We have to find out what we can do to avoid such impasse, and avoid crippling our healthcare system because our nurses do not wish to work here,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng kongresista na kailangan ang tulong ng pribadong sektor sa paghahanap ng solusyon hinggil sa malaking pagkakaiba ng sahod ng mga nurses na nagtatrabaho sa pribado at pampublikong ospital.

Aniya, sa mga pampublikong ospital, ang entry-level nurses ay tumatanggap ng P35,000 o katumbas ng Salary Grade 15 habang sa pribadong ospital ay nasa P12,000 kada buwan lamang.

Samantala, maging ang mga nurses sa mga lalawigan ay mas mababa sa tinatanggap na sahod at sa benepisyo.

“We have seen during the height of the pandemic how this can be a problem, with our nurses refusing to work here despite increased demand as their salaries are not commensurate to the service they render, especially during a public health crisis where such service can endanger their lives and that of their families,” ayon pa dito.

Umaasa ang mambabatas na hahanap ng solusyon ang Kongreso para maibigay ang dapat para sa lahat ng nurses.

Leave a comment