Pagpapaliban sa Bgy at SK election polls pasado na sa 2nd reading ng Kamara

NI NOEL ABUEL

Pumasa na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakda sa Disyembre 5, 2022.

Pinagtibay ng Kamara ang consolidated House Bill  4673, mula sa 43 magkakahiwalay na panukala na inihain ng 82 kongresista na naglalayong ilipat ang eleksyon sa unang Lunes ng Disyembre 2023.

Itinakda din ang BSKE elections sa unang Lunes ng 2026 at kada tatlong taon.

Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe determinado ang Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez na ipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Oktubre 1 ang nasabing panukala at papirmahan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bago sumapit ang nasabing eleksyon.

Sinabi pa ni Dalipe na maging ang Senado ay nagsiguro na maipapasa ang counterpart measure upang tuluyang ipagpaliban ang barangay at SK elections.

Sa oras na tuluyang maging batas ang panukala, ang mga incumbent barangay at SK officials ay mananatili sa posisyon ng mga ito bilang  hold over capacity.

Ayon pa kay Dalipe, suportado ni Romualdez ang panukala sa kadahilanang sa pamamagitan nito ay makapaghahanda ang Commission and Election (Comelec) at local government units (LGUs) para maging malinis ang barangay elections at maibigay ang honoraria sa mga poll workers.

“We need to pass this law ASAP because time is of the essence. The barangay and SK elections is just a few months away so we are hoping that we can approve this in the House on or before October 1. Hopefully, the Senate will do the same so that we can have an approved measure in time for the President’s signature before the election period,” sabi ni Dalipe.

Leave a comment