
NI NOEL ABUEL
Muling binuhay sa Kamara ang panawagang magpatupad ng mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa lahat ng estudyante sa Senior High School.
Ayon kay Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr., malaking tulong para sa mga mag-aaral na matutunan ang mga bagay sa panahon ng kalamidad o giyera kung kaya’t dapat na magsanay na ang mga ito sa ROTC.
“The State must once again make mandatory the enrollment of all students in Grades 11 and 12 in ROTC for our country to have a sufficient reserve officers to call to render military service when warranted by national circumstance, whether as in response to any national security threat or national emergency,” sabi ni Teves.
Sa ilalim ng House Bill No. 4500 o ang ROTC Act of 2022, ang basic ROTC course sa Grades 11 at 12 sa lahat ng educational institutions in the country.
Paliwanag ng kongresista, layon ng panukala na mapalakas ang kapasidad ng estado na makakuha ng kinakailangang tulong at human resources sa panahon ng giyera, kalamidad, disasters, at national o local emergencies.
Nakapaloob din sa HB No. 4500 na ang mga naka-enrol sa mga pampubliko at pribadong educational institutions, magiging bahagi ito ng baccalaureate degree courses at dalawang taong technical o vocational courses bago makapagtapos ang mga ito.
“It is the policy of the State to call upon its citizens to defend the nation and in fulfillment thereof, all citizens may be required to render personal, military or civil service,” paliwanag pa ni Teves.
Ang Department of National Defense (DND) ang aatasang gumawa ng training program para sa ROTC sa tulong ng mga unibersidad, kolehiyo at iba pang learning institutions para magsagawa ng military training .
Ang mga magtatapos sa basic ROTC training course at advance ROTC program ay maaaring pumaso sa commissionship o lateral entry at magpalista sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).
Sinabi pa ni Teves na sa panukala nito, isang independent ROTC Grievance and Ethics Board ang itatatag para tumanggap ng anumang reklamo mula sa mga estudyante na bubuuin ng mga kinatawan ng DND, DepEd, kinatawan ng eskuwelahan at ng Parents Teachers Association.
