1,683 World War veterans umaasa sa dagdag na pensyon– Sen. Revilla

Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

NI NOEL ABUEL

Halos mahigit sa 1,683 mula sa 151,000 World War 2 veterans ang nananatiling nabubuhay pa  sa kasalukuyan at umaasang madagdagan ang tinatanggap na pensyon mula sa gobyerno.

Sa pagdinig ng Senate Committees on National Defense and Security, Peace Unification and Reconciliation; Public Order and Dangerous Drugs and Finance, na pinamununa nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Ronald Bato Dela Rosa, sinabi ni Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Usec. Reynaldo Mapagu, na sa huling bilang, nasa 203 ang bilang ng mga centenarians kung saan ang pinakamatanda ay nasa 112-taong gulang na.

Samantala, nasa 1,484 namang beterano ang nasa 90-99 years old kung saan isang lalaki na edad 104 mula sa Luna, La Union ang nagpapakita ng malakas na pangangatawan at naglalakad ng walang alalay.

Nabatid na isa sa tinalakay sa nasabing komite ang inihaing Senate Bill no. 700 ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na nananawagan na dagdagan ang tinatanggap na pensyon ng mga veterans.

Mula sa kasalukuyang P20,000 kada buwang pensyon, nais ni Revilla na dagdagan ito ng P3,000 o magiging P23,000 kada buwang pensyon para magamit sa nagtataasang presyo ng mga bilihin dulot ng pandemya, at global economic crisis.

 “No less than the Constitution mandates utmost deference for our war heroes whose bravery provided protection to our nation. As the supreme law of the land reads: “[t]he State shall provide Immediate and adequate care, benefits and other forms of assistance to war veterans and veterans of military campaigns, their surviving spouses and orphans,” sabi ni Revilla.

“Ito ay sukli lamang ng bayan sa tapang at giting nila sa gitna ng giyera. For having witnessed the terrors of wars and enduring them in order to hold the line, our war veterans deserve nothing less,” dagdag pa nito.

Leave a comment