
NI NOEL ABUEL
Inirekomenda ni Senador Alan Peter Cayetano ang isang “dual approach” sa pagsasaayos ng justice system sa bansa kung saan palalakasin ang Lupong Tagapamayapa sa mga barangay kasabay ng pagdadagdag ng pondo para sa mga pasilidad at tauhan sa mga korte.
“We can take a dual approach, on one hand providing y’ung mga kulang – facilities, more prosecutors, y’ung kanilang computers, books, internet , et cetera – but at the same time, look at the bigger picture of social justice in the country and how we can make it a less litigious society,” sabi ni Cayetano sa pagdinig ukol sa panukalang 2023 budget ng Department of Justice noong September 20, 2022.
Ayon sa senador, maaaring gamiting modelo ang Matthew 18:15-17 sa Bibliya ang mga hidwaan ay nireresolba sa loob ng konggregasyon para hindi na umabot sa mga korte ang mga ito.
Pero para magawa ito, kailangan aniyang palakasin ang barangay justice system dahil meron pa rin itong mga limitasyon.
“Sa ngayon kasi ang limitasyon nung sa barangay ay dapat magkabarangay y’ung parehong parties, pero y’ung Lupon is for me very effective, kaya nga may limitations lang,” sabi ni Cayetano patungkol sa Lupong Tagapamayapa, na siyang nagtitipon sa mga magka-alitan na nakatira sa parehong siyudad o bayan upang magkaayos ang mga ito.
Bagama’t batid ni Cayetano na mas madaling buhusan na lang ng pondo ang justice system sa bansa upang madagdagan ang mga pasilidad at tauhan nito, ang mas pangmatagalan solusyon aniya ay ang palakasin ang values education sa bansa para mabigyang-kakayahan ang mga tao na umiwas sa mga alitan at kasuhan.
“The natural thing to do is to advocate, to lobby both sa Supreme Court at sa Department of Justice for more fiscals, more judges, more facilities, but that would mean that we are becoming a much more litigious society,” ani Cayetano.
“I know na long-term, baka sa Department of Education ‘to, we need to teach our younger people values and para hindi na magkademandahan,” dagdag pa nito.
