
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental at Northern Samar kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-5:11 ng madaling-araw ng maramdaman ang magnitude 4.4 sa richer scale sa Balut Island, sa bayan ng Saranggani, ng nasabing probinsya.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 141 km timog-silangan ng Balut Island, at may lalim na 171 km at tectonic ang origin.
Wala namang iniulat na nasira o nasaktan sa nasabing paglindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Samantala, nilindol din ang probinsya ng Northern Samar dakong alas-12:10 ng madaling-araw.
Naitala ang lindol sa magnitude 3.4 na ang sentro ay natukoy sa layong 073 km hilagang silangan ng bayan ng Palapag, Northern Samar.
May lalim itong 055 km at tectonic ang origin.
Wala ring naitalang nasira sa nasabing paglindol.
Sa datos ng Phivolcs, ngayong araw ay nakapagtala na ito ng 20 paglindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa na karamihan ay hindi naman naramdaman dahil sa mahina lamang ito.
