
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Misamis Oriental kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa datos na inilabas ng Phivolcs, dakong alas-11:57 ng umaga nang tumama ang lindol sa bayan ng Libertad, Misamis Oriental.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 028 km hilagang kanluran ng Libertad, Misamis Oriental at may lalim lamang na 002 km at ang origin ay tectonic.
Wala namang naitalang naapektuhan ng lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
Samantala, ganap namang alas-12:36 ng tanghali nang yanigin din ng lindol ang Surigao del Sur.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 020 km hilagang silangan ng bayan ng Marihatag, Surigao Del Sur.
Naitala ang lindol sa lakas na magnitude 3 at may lalim na 030 km at tectonic din ang origin.
