Mandatory drug testing bago pumasok sa showbiz –solon

Rep. Robert Ace Barbers

NI NOEL ABUEL

Dapat na sumailalim muna sa mandatory drug testing ang mga artistang Pinoy partikular ang mga kabataan bago pa gumawa ng pelikula at iba pa.

Ito ang sinabi ni  Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kasunod ng pagkakadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District sa isang buy-bust operation sa isang aktor at apat na iba pa.

“Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. They would be setting bad examples if they would be involved in the use of drugs, or worse selling drugs,” sabi ni Barbers.

Idinagdag pa ng Mindanao solon na ito ang dahilan kung bakit maraming Filipino movie production outfits, director at talent agents ang nag-oobliga na sa kanilang mga aktor at aktres na sumailalim sa drug testing bago pumasok sa professional services.

“Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga,” aniya pa.

“Kaya hinihiling at hinihikayat ko ang hanay ng ating movie industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police ng kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng pelikula,” dagdag pa ng mambabatas.    

Sa nasabing operasyon, nabawi kay Roco, anak ng veteran actor na si Bembol Roco, multi-awarded veteran actor na lumabas sa pelikulang “Maynila, Sa Kuko ng Liwanag” noong 1976 (Famas-Best Actor); “Sa Piling ng mga Sugapa” noong 1976 (Best Actor-Urian awards); “Sleepless” noong 2015 at sa TV series “My Special Tatay” noong 2018, ang  P112,000 halaga ng shabu, P14,000 halaga ng pinatuyong marijuana, weighing scale at marked peso bills.

Simula umano noong 2016 sa antii-drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nasa 8 celebrities na ang nadakip na may kinalaman sa illegal na droga kabilang ang aktor na si Mark Anthony Fernandez; starlet na si Krista Miller; dating sexy actress Sabrina M at ang radio disk jockey Karen Bordador at boyfriend nitong si Emilio Lim.

Kasama rin ang dating child star na si CJ Ramos na nahuli sa drug buy-bust operation noong Hulyo 2018  subalit nagawang makabalik sa showbiz matapos kunin ang serbisyo nito ni Kapamilya actor Coco Martin sa teleseryeng “Ang Probinsyano”; ang Fliptop rapper Zaito at aktor na si Julio Diaz, na kapwa naging bahagi ng “Ang Probinsyano”.

Leave a comment