Bulkang Mayon  nakapagtala ng 3 paglindol

NI KAREN SAN MIGUEL

Nakapagtala ng tatlong volcanic earthquakes ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Mayon.

Sa datos ng Phivolcs, mula sa 24-oras na pagbabantay nito mula alas-5:00 ng madaling-araw noong Linggo hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ngayon,  bahagyang nagkaroon ng aktibidad sa bulkan kung saan nakita ang bahagyang pamamaga nito.

Nakapagtala rin ng sulfux dioxide flux na 391 kada araw na kumikilos sa kanluran timog kanluran

Nananatili pa rin sa alert level 1 sa nasabing bulkan at patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone at bawal din ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

 Ayon sa Phivolcs, maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, rockfall mula sa tuktok ng bulkan, at pagdaloy ng lahar kung may matinding pag-ulan.

Leave a comment