Davao Occidental at Davao Del Norte nilindol

NI NERIO AGUAS

Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental at Davao Del Norte kahapon ng madaling-araw.

 Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs,  dakong alas-5:02 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.2 na lindol na tumama sa Davao Occidental.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 175 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental at may lalim na 023 km at tectonic ang origin.

Wala namang naiulat na may nasira o nasaktan sa nasabing paglindol.

Samantala, ganap namang alas-4:31 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.7 na lindol sa Davao Del Norte.

Ang sentro na lindol ay nakita sa layong  007 km timog silangan ng Carmen, Davao Del Norte at may lalim ng 015 km at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang aftershocks ang Phivolcs sa mga nasabing lalawigan.

Leave a comment