P118K utang ng bawat Filipino

NI NOEL ABUEL

Patuloy na lumalaki ang pagkakautang ng bawat Filipino sa kasalukuyan kasama na ang mga sanggol dahil sa lumalaking pagkakautang ng pamahalaan.

 Sa pagdinig ng Senate Finance Committee sa panukalang budget ng Department of Finance (DOF) at ng attached agencies, sinabi ni Bureau of Treasurer (BOT) National Treasurer Rosalina De Leon na sa kasalukuyan ay nasa P118,000 na ang pagkakautang ng nasa 110 milyong Filipino.

Inusisa ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang ginagawang pag-utang ng Philippine government para sa operations and programs at pagbabayad ng pagkakautang. 

Sinabi ni Pimentel na aabot sa P1.58 Trillion ang nakalaan sa debt service para sa pagbabayad ng principal debt at interests sa susunod na taon.

“Our countrymen should be informed that we are borrowing money to be able to pay our debts,” sabi ni Pimentel. “Common sense tells us that we should at least attempt to live within our means. Best effort. Let’s not get overconfident with our borrowings that our grandchildren, our great-grandchildren, are buried in debts even before they are born,” sabi pa ng senador.

Leave a comment