Shabu sa kimchi tinangkang ipalusot sa BI detention center

NI NERIO AGUAS

Naharang ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang tangkang pagpapalusot ng illegal drugs sa  loob ng BI detention center sa Bicutan, Taguig City para sa isang nakakulong na Korean national.

 Ayon kay Adolfo Marasigan, officer-in-charge ng BI’s warden facility, noong Setyembre 21 nang masabat ng mga custodial guards ang isang package na naglalaman ng kimchi at iba pang pagkain na nakapangalan sa nakakulong na Korean national na si Yang Heejun, 41-anyos.

Sinabi ni Marasigan na nagduda ang mga  custodial guards na pagpupumilit ni Yang na makuha ang nasabing container dahilan upang isailalim ito sa pagsisiyasat hanggang sa makita ang apat na gramo ng pinaghihinalaang shabu kung kaya’t agad na kinumpiska.

Ayon naman kay Immigration Commissioner Norman G. Tansingco, si Yang ay naaresto noong Abril 18 sa Angeles City, Pampanga sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng pagtangay ng 14.15 milyong won at wanted sa iba pang kaso sa Seoul, South Korea.

“Being a fugitive from justice, Yang poses risk to public safety and security. He was charged with being an undesirable alien and shall be deported to face charges in his country,” sabi ng BI chief.

Dahil sa pagkakakumpiska ng illegal drugs, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Yang.

Nilinaw naman ni Tansingco na ang nasabing dayuhan ay kakasuhan sa Prosecutor’s office kung saan mapatawan ng kaso ay makukulong ito sa bansa bago ihain ng deportation case laban dito.

Sinabi pa ni Tansingco hindi ito unang nangyari na nakakumpiska ang BI agents ng mga illegal items na tinangkang ipalusot sa BI detention center.

“The BI will remain vigilant and continue to be strict in performing inspections while investigations are ongoing,” sabi ni Tansingco.

Leave a comment