
Ni NOEL ABUEL
Nagsagawa ng serye ng pagkilos ng pakikipagkapwa-tao si House Speaker Martin G. Romualdez sa buong probinsiya ng Leyte at namahagi ng cash aid sa mga kwalipikadong nasasakupan.
Si Romualdez, na kinatawan ng Unang Distrito ng Leyte, ay dumating ngayong Huwebes sa Daniel Z. Romualdez Airport, na kilala rin bilang Tacloban City Airport kung sinamantala nito ang pagkakataong siyasatin ang pagtatayo ng bagong airport terminal grounds kasama si CAAP acting director General Manuel Antonio Lara Tamayo at iba pang mga opisyal.
Nagtungo rin si Speaker Romualdez sa Eastern Visayas State University (EVSU) upang masaksihan ang payout at pamamahagi ng tulong sa cash sa 515 na mga benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged /Displaced Workers o TUPAD programa at Negosyo Karts, na mga proyekto sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“Nagtatrabaho po kami nina Cong. Jude (Acidre) at Cong. Yedda (Marie K. Romualdez) ng Tingog party-list sa Kongreso araw-araw para makahanap ng maayos na programa para sa inyo. Iyun po ang trabaho natin, pagkagising sa umaga nag-iisip at naghahanap tayo kung ano ang puwedeng maibigay at madala sa ating constituents sa First District, sa probinsiya at buong rehiyon,” pahayag ni Romualdez sa mga tumanggap ng P2.562 milyon na 515 TUPAD beneficiaries.
“Hangarin ng representatives sa Tingog party-list na magdala ng maayos
na programa at proyekto. Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga programa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” ayon pa lider ng Kamara.
Kabuuang 110 benepisyaryo ng TUPAD program ang Tacloban City,
205 naman sa bayan ng Alang-alang, at 100 indibiduwal sa mga bayan ng Babatngon at Sta. Fe.
Habang 31 katao naman ang nakinabang sa Nego-Kart livelihood project.
Kasama rin ni Romualdez sina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, Sta. Fe Mayor Amparo Monteza, EVSU officer-in-charge Dr.
Analyn C. Españo, DoLE Regional Director Henry John Jalbuena, at ng kani-kanilang local government officials, officers at staff.
Matapos ang pamamahagi, dumiretso si Romualdez sa kanyang tirahan na tinatawag na Nipa Hut na sunaluhan ng mga lokal na opisyal na pinangungunahan ni Mayor Romualdez, gobernador, mayors, mga kongresista, vise-mayors at konsehal upang talakayin ang mga lokal na isyu.
“I am glad that everything that we fought for in Congress for our province and Region VIII are slowly coming to fruition. We look forward to more projects in the future for the benefit of all our constituents in Leyte and Region VIII,” sbai pa ni Romualdez.
