Tulong sa IPs dapat ibigay ng pamahalaan — Sen. Angara

Senador Sonny Angara

NI NOEL ABUEL

Napapanahon nang kumilos ang pamahalaan  upang maiangat ang buhay ng mga indigenous peoples (IPs), na nananatiling kabilang sa pinakamahihirap at disadvantaged social groups sa bansa.

Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara kung saan 25 taon na umano nang maipasa ang Republic Act 8731 o ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) subalit mabagal at maliit na pagbabago pa ring ang buhay ng mga IPs.

“We have over a hundred IP groups in the Philippines comprising anywhere between 14 to 17 million indigenous cultural communities (ICCs). Much has been said to protect the rights and ensure the welfare of our IPs but the reality is they continue to be among the most disadvantaged groups,” paliwanag pa ni Angara.

Ayon sa World Bank, habang ang mga IPs ay binubuo lamang ng anim na porsyento ng pandaigdigang populasyon, ang mga ito ay bumubuo ng halos 20 porsyento ng mga mahihirap sa mundo.

“What exacerbates the situation of our IPs is the absence of reliable public data on ICCs and more often than not, this leads to situations where they are neglected in the delivery of basic, social, technical and even legal services,” ayon pa kay Angara.

At upang makatulong sa pagresolba sa sitwasyon, inihain ni Angara ang Senate Bill 1167 o ang Resource Centers for Indigenous Peoples Act of 2022, na naglalayong magtatag ng mga ICC/IPs resource centers sa mga estratehikong lugar, ayon sa tinukoy ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), na kinuha  sa pagsasaalang-alang sa kanilang lokasyon.

Ang mga sentrong ito ay bubuuin ng tatlong pangunahing lugar ng serbisyo, katulad ng, Statistical Service Area;  Human Development Index;  at ang Domains Management Service Area.

“Talagang kaawa-awa ang kalagayan ng ating mga katutubong Pilipino. Bagama’t marami na ang nagawa upang pagtibayin ang kultura, tradisyon at mga karapatan ng mga katutubo, tila hindi pa rin umaangat ang buhay nila at madalas ay napapabayaan pa sila sa pagbibigay ng tulong at serbisyo ng pamahalaan. Panahon na para bigyan ng pansin ang kalagayan ng ating mga katutubo at kabilang na dito ang pagkakaroon ng maayos na datos tungkol sa kanilang hanay,” pahayag pa ni Angara.

Leave a comment