PESOs  kinilala ng DOLE

NI NERIO AGUAS

Kinilala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 19 Public Employment Service Offices (PESOs) dahil sa magandang serbisyo ng mga ito sa pagbibigay ng job facilitation services sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa ginanap na 2022 National PESO Congress sa SMX Convention Center sa Mabalacat City, Pampanga, pinarangalan ng DOLE ang mga tinaguriang best-performing employment service offices.

Ang mga PESO nominees ay sumailalim sa ebalwasyon base sa kanilang innovative, resilient, at humanitarian activities na ipinatupad mula Enero hanggang Disyembre 2021.

Partikular na isinailalim sa pagsusuri sa mga PESOs ang kanilang mga bagong proyekto o programa o pag-upgrade sa kasalukuyang projects/programs na direktang nakalaan sa mga indibiduwal na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang mga nagwaging SBSA ay napili mula sa mga nominees mula sa lahat ng DOLE Regional Offices sa ilalim ng 10 kategorya.

Kabuuang 71 entries ang isinumite sa DOLE evaluation committee kung saan 59 entries ang naging kuwalipikado.

Ang nagwagi sa Secretary’s Bayanihan Service Award winners ay ang:

Hall of Fame

Tagum City; Province of Pampanga; Angono, Rizal;

Highly Urbanized City;

Davao City; Iloilo City

1st Class Province;

Davao Del Sur

2nd Class Province;

Lanao Del Norte; Surigao Del Norte

3rd-5th Class Province;

Aurora; Marinduque

Component and Independent Component City;

Ilagan City; Biñan City

1st-2nd Class Municipality;

Baliuag, Bulacan

3rd-4th Class Municipality;

Balungao, Pangasinan; Llanera, Nueva Ecija; Jimenez, Misamis Occidental; Magsaysay, Davao Del Sur

5th-6th Class Municipality;

Catarman, Camiguin

Job Placement Office;

University of Batangas

Ang mga nagwaging PESOs ay makakatanggap ng trophy at P100,000 bawat isa habang ang  consolation prize ay P20,000 sa mga iba pang kuwalipikadong entries.

Leave a comment