Tulong at ayuda sa Abra

Si Abra Rep. Ching Bernos habang namamahagi ng ayuda sa mga residente ng bayan ng Lagayan at nagkaloob ng food pack, bigas, at sleeping at hygiene kit sa mga pamilya na naapektuhan ng magnitude 6.7 na lindol na naranasan kagabi.  


Nagbigay rin ng P10,000.00 cash si Bernos para sa mga indibiduwal na nasira ang kanilang tahanan dahil sa lindol.


Humihingi ng dasal ang mambabatas para sa Abra, na muling palakasin ng Makapangyarihang Diyos ang puso at isipan upang makayanan ang hindi magandang pangyayaring ito.

Leave a comment