Proteksyon ng mga journalists tiniyak ng Marcos administration—DOJ

(Photo byYahoo Phils)

NI NERIO AGUAS

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na seryoso si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bantayan ang mga mamamahayag upang maiwasan ang pag-atake sa mga ito.

Sa inilabas na kalatas ni DOJ spokesman Jose Dominic Clavano IV, tugon ito sa inilabas ng New York based organization hinggil sa sitwasyon ng mga journalists sa bansa.

“This Index will not stop the new administration from investigating and prosecuting work-related killing and harassment of journalists,” sabi nito.

“We understand the importance of good journalism and we will take concrete steps in protecting those that simply want to keep the government and its officials in check. It is a right we must respect and preserve,” dagdag pa ni Clavano.

Sa 2022 Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ), tinukoy nito 80 porsiyento ng 263 insidente ng pagpatay sa mga journalists na naitala sa buong mundo na sa nakalipas na 10 taon ang hindi pa nareresolba.

Nakasaad pa sa CPJ report na ang Pilipinas ay pang-7 sa 10 bansa kung saan 14 na mamamahayag ang napatay.

Nanguna sa listahan ng mga hindi ligtas na bansa sa mga mamamayag ayon sa CPJ ang bansang Somalia na mayroong 19 unsolved murders na sinundan ng Syria, 16 patay, South Sudan,  5 patay; 17 sa Afghanistan at Iraq at Mexico, 28 patay.

Sumunod naman sa Pilipinas ang bansang Myanmar, 5 patay; 13 sa Brazil, 9 sa Pakistan at 20 sa India.

Leave a comment