MSU Liaisons Office sa Manila malapit nang matapos–DPWH

Ni NERIO AGUAS

Malapit nang magkaroon ng Manila Liaisons Office Complex ang Mindanao State University (MSU) na itatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mandaluyong City.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, na Iniulat ni DPWH National Capital Region Director Loreta M. Malaluan na sinimulan ng DPWH-NCR kamakailan ang pagtatayo ng isang apat na palapag na gusali, na nakatanggap ng alokasyon na P77 milyon.

Sinabi ni Regional Director Malaluan na ang MSU Manila Liaisons Office Complex ay isang pinakahihintay na pasilidad na tumagal ng anim na dekada ng pagpaplano.

Ang inspirasyon mula sa disenyo ay mula sa Mindanaoan at Muslim heritage, partikular sa mga gawaing arkitektura at interior works, habang ang pinakamataas na penthouse nito ay nakatuon para sa pagpapakita ng kanilang mayamang kultura.

“Finally, we have officially commenced this MSU Manila Office which will be able to provide office spaces to all its 11 campuses, its officials, including the university’s Manila Liaison Information Office,” sabi ni Malaluan.

“This facility will provide accessibility to MSU employees, clients, inlcuding local and international partners, as they visit and learn more about the university,” dagdag nito.

Sa oras na makumpleto, ang MSU Manila Liaisons Office Complex ay magkakaroon ng mga conference hall at multi-purpose na mga silid upang tumanggap ng mga aktibidad, pagpupulong, at kumperensya ng MSU.

Leave a comment