1,000 puno itatanim sa bawat P5-M flood-control project ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Oobligahin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kontratista na may flood-control projects na pinondohan ng ahensya na magtanim ng 1,000 puno sa bawat P5 milyong proyekto.

Ito ay maliban sa mandatory Tree Replacement Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay DPWH Sec. Manuel M. Bonoan nilagdaan nito ang Department Order (Do) No. 238, Series of 2022, na nag-aatas na magpatupad ang lahat ng tanggapan sa buong bansa upang magtanim ng 1,000 seedling / puno para sa bawat flood-control project na hindi bababa sa P5 milyong halaga ng kontrata, at karagdagang 1,000 seedlings / puno sa bawat idinagdag na P5 milyon sa kontrata, o fraction pagkatapos nito.

“This policy is pursuant to an instruction from President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. to address deforestation nationwide,” sabi ni Bonoan.

Ang mga gastos para sa aktibidad ng pagtatanim ay isasama sa pamamagitan ng kinauukulang tanggapan ng DPWH na nagpapatupad ng paghahanda ng Program of Works (POW) sa bawat flood-control project.

Tinukoy ang lugar kung saan isasagawa ang tree planting activities natutukuyin sa tulong ng bawat local government units LGUs) at ng DENR Community o Provincial Environment and Natural Resource Office (CENRO/PENRO).

Batay sa mga umiiral na batas, ang mga aktibidad sa pagtatanim ng puno ay isinasagawa sa mga bukas, degraded, at denuded na mga kagubatan, mga protektadong lugar at bakawan, ancestral domain lands, at civil and military reservations at iba pa.

Ang mga punong itatanim ay ibibigay sa LGUs para mangalaga, magbigay ng proteksyon at konserbasyon.

Leave a comment