Economic growth tuluy-tuloy na – Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Tiniyak ni House Speaker Martin G. Romualdez na ang bansa ay maaaring manatili sa mataas na landas ng paglago ng ekonomiya at maaari pang pagbutihin ang 7.6-porsiyento nitong buong taon na pagpapalawak noong nakaraang taon.

“With the right policies that will continue to implement President Marcos’ Agenda for Prosperity roadmap, and with the existing close cooperation between the executive and legislative branches, we can build on our stellar economic performance,” sabi pa ni Romualdez.

Ginawa ng lider ng Kamara ang pahayag bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang gross domestic product (GDP) sa ikaapat na bahagi ng taon ay lumago ng 7.2 porsyento, na nagresulta sa isang buong taon na 7.6-porsiyento na paglago noong 2022.

Sinabi ni Romualdez na ang pagpapakita ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan na ang prosperity roadmap ng administrasyong Marcos ay nasa tamang landas.

“Under the able leadership of the President, the nation’s GDP has been above 7 percent for the first six months of his term. His decision to reopen the economy despite the pandemic boosted growth,” aniya pa.

Kaugnay nito ay nanawagan si Romualdez sa Kongreso na patuloy na suportahan ang Agenda for Prosperity sa kinakailangang batas, kabilang ang Maharlika Investment Fund bill at mga hakbang upang mapabilis ang digital transformation ng bansa.

“The enactment of these proposed pieces of legislation will further enhance our economic performance,” ayon pa dito.

Leave a comment