
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera para sa mabilis na pag-apruba sa panukalang batas na nagtatatag ng water resource management at paglikha ng Department of Water Resources (DWR) at ng Water Regulatory Commission (WRC).
“This proposed legislation is long overdue as we have been fighting for its passage for more than a decade already. It is high time that we come up with a comprehensive regulatory framework designed to better balance the management of the country’s water resources through the creation of DWR and WRC,” ani Herrera.
“This measure is extremely important because it gives us the opportunity to sustainably use and manage our water resources for the long-term to support the needs of agriculture, industries, and households, among other sectors,” dagdag pa nito.
Ginawa ni Herrera ang panawagan matapos dumalo sa pulong noong Lunes ng technical working group (TWG) na inatasang pagsama-samahin ang ilang hakbang sa paglikha ng DWR at WRC, kabilang ang House Bill Nos. 1013 at 1014 na inihain niya noong Hulyo ng nakaraang taon.
Ang TWG ay binuo ng House Committees on Government Reorganization and on Public Works and Highways, na magkatuwang na tumutugon sa panukalang National Water Act.
Sinabi ni Herrera na ang kanyang kambal na panukala ay makatutulong sa bansa na makamit ang universal access sa ligtas, sapat, abot-kaya at napapanatiling serbisyo ng tubig at kalinisan para sa lahat ng Pilipino.
“The Philippines is a water rich country, yet despite an overflowing capital, many Filipinos experience deprivation from affordable, safe drinking water and a working sanitation system,” sa kanyang explanatory note.
“The perennial problem has seriously affected the lives of our citizens in terms or health, sanitation, food security and livelihood, in addition to negatively impacting the environment,” giit pa nito.
Sa HB 1013, o ang Water Regulatory Act,
ay naglalayong bigyang-katwiran ang economic and administrative regulation ng mga water utilities sa pamamagitan ng isang independiyenteng, quasi-judicial body na tinatawag na WRC.
Kabilang sa mga tungkulin nito ay ang magtakda ng patakaran para sa supply ng tubig, sewerage at septage management; mag-isyu ng mga lisensya, magtakda, suriin at aprubahan ang mga rate; suriin at suspendehin ang mga kontrata; at simulan ang pagsisiyasat sa mga tiwaling opisyal sa pamamagitan ng pagiging quasi-judicial nature.
Aatasan din ang WRC na suriin at bawiin ang mga pag-iisyu, memorandum at iba pa na hindi naaayon sa diwa ng komisyon at tiyaking inuuna ang kapakanan ng mga consumers.
Upang i-streamline ang mga tungkulin at responsibilidad ng organisasyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, ang National Water Resources Board, at ang Local Water Utilities Administration ay ililipat sa WRC.
