Sa magnitude 6.5 na lindol sa Bismark Sea

NI MJ SULLIVAN
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko na magkaroon ng tsunami kasunod ng malakas na paglindol sa Bismark Sea ngayong araw.
Sa inilabas na abiso ng Phivolcs, base sa datos, walang banta ng tsunami na tatama sa alinmang bahagi ng bansa.
“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” ayon sa Phivolcs.
Una nito, nagtala ng magnitude 6.5 na lindol sa Bismark Sea dakong ala-1:36 ngayong hapon.
May lalim itong 583 kms at natukoy ang sentro sa layong 149.6 silangan ng nasabing lugar.
