Kamara at Malacañang nagpakalat ng 100 bus vs transport strike

Ni NOEL ABUEL

Inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nagkabit-bisig ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at ng Malacañang para magpakalat ng 100 bus para sa mga commuters sa Metro Manila na maaapektuhan ng isang linggong tigil-pasada ng ilang transport groups na tumutol sa PUV Modernization Program.

“Through the joint effort of the House of Representatives and Malacañang, we have fielded 100 buses to augment the number of vehicles provided by local governments and other government agencies that would provide free rides to affected commuters,” ayon kay Romualdez.

“It’s our commuters who would suffer the most from this transport strike. Cognizant of their difficult situation, have taken this joint initiative with Malacanang to ensure stranded commuters will have available rides to their work or home,” dagdag nito.

Sinabi pa ng lider ng Kamara na ang nasabing mga sasakyan ay itinalaga sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang magdesisyon kung saan kinakailangang i-deploy ang naturang mga bus.

Base sa ulat na natanggap ni Romualdez, umaabot sa 1,380 katao ang napagsilbihan ng 46 buses na ipinakalat ng MMDA sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan mula alas-8:35 ng umaga hanggang alas-11:01 ng Lunes ng umaga.

Ilan sa mga lugar na ipinakalat ang 46 bus ay sa -Baclaran-Sucat/-Baclaran –Dapitan/SM Sangandaan-Divisoria/-Buendia-Guadalupe/-Zobel-Roxas-Dulo (Sta. Ana)/-DOST Bicutan-Sucat/-Alabang-San Pedro/-Alabang-Calamba/-Philcoa-TM Kalaw/-BFCT-Cubao/-Monumento-Navotas/-Monumento-Malanday.

Kung kinakailangan, sinabi ni Speaker Romualdez na maglalagay ito ng karagdagang mga sasakyan upang magbigay ng libreng sakay sa tagal ng transport strike.

“President Marcos has shown that he is sympathetic to the issues raised by certain transport groups over the jeepney modernization program. I appeal to those concerned to engage the government in a sincere dialogue to resolve this issue,” sinabi ni Romualdez.

“Kawawa po naman ang ating mga commuters na sila ang laging naiipit at nahihirapan tuwing magkakaroon ng ganitong transport strike,” aniya pa.

Leave a comment