
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan ang isang kongresista na panahon nang i-regulate ang paggamit at pagpapatakbo ng mga motorcycle taxi at iba pang serbisyo ng motorcyle-for-hire.
Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party list Rep. Margarita Nograles, napatunayan na sa nakalipas na nationwide transport strike ay hindi naramdaman sa karamihang lugar sa Metro Manila dahil sa marami ang naserbisyuhan ng mga motorcycle taxi.
“We are thankful that the presence of our motorcycle taxis like Angkas and Joyride mitigated the effect of the nationwide transport strike. Thousands of commuters were still able to get a ride using these motorcycle taxis. Clearly, the transport strike has shown us that while motorcycle taxis can be very convenient, they can be also very dangerous if not properly regulated,” sabi ni Nograles.
Sinabi ni Nograles, na miyembro ng House Committee on Transportation, na ang panukalang motorcycle-for-hire law ay ipinasa ng Kamara noong 18th Congress ngunit hindi ito umusad sa Senado dahil sa kaukulangan ng sapat na panahon.
Aniya, marami nang motorcycle-for-hire bill ang naihain sa Kamara sa kasalukuyang kongreso tulad ng House Bill 7034 o mas kilala bilang Motorcycles-For-Hire Act na inakda ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua ngunit hindi pa ito pumasa sa pagsusuri ng House Transportation Committee na pinamumunuan ni Antipolo Rep. Romeo Acop.
Sinabi ni Nograles na ang nationwide transport strike ay dapat magsilbing eye-opener para sa Kongreso na agarang isaalang-alang ang pagsasabatas na nagre-regulate ng motorcycle-for-hire services upang maiwasan ang paglaganap ng hindi awtorisado at colorum na mga motorcycle taxi.
Ipinaliwanag pa ni Nograles na dahil kitang-kita na ang mga motorcycle taxi at iba pang motorcycle-for-hire ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng libu-libong Pilipino, maaari ring gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga driver at ang riding public.
“Truth be told, motorcycle-for -hire is Filipino as Filipino can get, when it comes to culture. That’s why we should fast track consideration of this bill for the Filipino nation,“ ani Nograles.
“Their services have been a part of our day-to-day lives long before companies like Angkas and Joyride started their operation. In Mindanao, we have these habal-habals and the so-called Skylab as our primary transportation. It is about time that we should really regulate their operation,” dagdag pa nito.
Idinagdag pa nito na ang mga motorcycle taxi at motorcycle delivery services ay naging isa sa pinakamalaking industriya na gumagawa ng trabaho sa bansa at ang pagsasabatas ng isang batas na kumokontrol sa kanilang operasyon ay mapoprotektahan sila mula sa kakaibang pagbabago sa patakaran, crackdown, at maging sa pangingikil.
Ito rin aniy ang magtatakda ng mga pamantayan, detalye, at maging ng mga parusa para sa pagpapatakbo ng mga motorcycle-for-hire na ito.
Titiyakin din nito ang pananagutan sa bahagi ng mga tsuper na inaasahang magtitiyak sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero o ang kargamento na ipinagkatiwala sa mga ito.
