
Ni NOEL ABUEL
Nagpahayag ng galit ang isang kongresista sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa 27 overseas Filipino worker ang nasasawi sa nakalipas na 10 taon sanhi ng foul play.
Giit ni Kabayan party list Re. Ron Salo, dapat na kumilos ang gobyerno sa pamamagitan ng mga pagkakaloob ng abogado na masusing susubaybayan ang kaso ng mga OFWs at tiyakin ang paghatol sa mga akusado.
Kabilang sa mga naitalang may OFWs na nasawi ay mula sa Saudi Arabia na 8 OFWs ang nasawi, 5 sa South Africa, apat sa Kuwait, at tatlo sa Cyprus.
Ayon kay Salo, chair ng House Committee on Overseas Workers Affairs, patunay umano nito na ang kaso nina Jullebee Ranara, Joanna Demafelis, at Jeanelyn Villavende ay hindi isolated, at hindi ito katanggap-tanggap.
“This matter should deeply concern us Filipinos because it tells of the extreme risk to life that our overseas workers find themselves in while trying to make a decent living for their families,” sabi pa ni Salo.
Idinagdag pa ng kongresista ang pangangailangan para sa pamahalaan na gumawa ng isang mas proactive direction upang matiyak ang hustisya.
“We must engage competent lawyers to handle these cases and consistently monitor the process to ensure a successful prosecution and conviction of the perpetrators,” paliwanag ni Salo.
“I have said this time and again – convictions of these criminals will deter future aggressors against our Kabayans, for they will know that our government is there to protect them,” dagdag pa nito.
Sa kasalukuyan nagbibigay ng tulong ang DFA sa mga pamilya ng mga Pilipino sa ibang bansa na namatay sa foul play sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal na tulong sa pag-uusig sa mga suspek, pati na rin ang pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga pamilya ng nasawing OFW.
