
Ni NERIO AGUAS
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong school building sa Diniog National High School (DNHS) sa Dilasag, Aurora.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang 2 storey school facility na may 8 silid-aralan ay ginastusan ng P20.3 milyon sa ilalim ng proyekto ng DPWH Aurora District Engineering Office (DEO).
Dahil sa pagkumpleto ng gusali ng paaralan, ang DNHS ay mayroon na ngayong mga karagdagang silid-aralan na kumpleto sa mga bagong blackboard, wall fan, at upuan na magsisiguro ng mas magandang kapaligiran sa pag-aaral.
Ang naturang bagong school building ay mayroon ding mga comfort rooms, mga tangke ng tubig, at mga kagamitan sa proteksyon ng sunog upang matiyak ang kaginhawahan at kaligtasan para sa parehong mga mag-aaral at guro ng DNHS.
Sinabi pa ni Bonoan, na ang DPWH sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) ay mananatiling nakatuon sa paghahatid ng mga imprastraktura para sa paaralan upang matugunan ang agwat sa mga pasilidad ng basic education sa bansa.
