Agri scholarships at insentibo sa anak ng magsasaka isinulong sa Kamara

NI NOEL ABUEL

Isinusulong ng isang kongresista ang pagkakaloob ng insentibo at scholarships sa mga dependents ng mga magsasaka sa buong bansa.

Ayon kay Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa pamamagitan umano nito ay mas maraming kabataang Pinoy ang magpupursige na kumuha ng kurso sa agrikultura at harapin ang mga hamon ng mahalagang sektor.

Sinabi naman nina Benguet  Rep. Eric Yap at ACT-CIS party list Rep. Edvic Yap, na inihain ng mga ito kasama si Duterte ang House Bill 7572 na naglalayong bigyan ng subsidiya ang mga kuwalipikadong anak ng mahihirap na magsasaka na mag-e-enroll sa agriculture courses at sa kahalintulad na kurso sa mga state universities and colleges (SUCs), na libre ang  tuition fee sa ilalim ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

“We need young Filipinos who are exposed to today’s technologies to consider agriculture as a viable career. The youth’s innovative spirit, their enthusiasm to change the way we think or do things is what we need right now to reinvigorate our agriculture sector. Providing farmers’  children  the educational support they need will encourage them to pursue agriculture and other related courses,” paliwanag ni Duterte.

Sinabi pa nito sa mga kabataan na ang  agriculture courses ay hindi lamang sa usapin ng pagtatanim kung hindi sakop din nito ang agricultural at biosystems engineering, agribusiness management, agricultural biotechnology, agricultural economics, at fisheries technology.

Sa ilalim ng panukala, ang mga dependents ng mga kuwalipikadong indigent farmers na makakapagpasa ng mga kinakailangang dokumento sa mga SUCs at iba ang local universities and colleges (LUCs)  sa kursong agriculture at iba pang kahalintulad na kurso ay makakatanggap ng libreng tuition at iba pang  school fees, gayundin ang pagkakaloob ng insentibo at subsidiya tulad ng  living at transportation allowances.

Ang mga kuwalipikadong indigent farmer ay ang mga indibiduwal na kasama sa registry of farmers ng Department of Agriculture (DA), na ang pinagkukunan ng kabuhayan ay pagtatanim sa lupang pag-aari o inuupahan ng mga crop production, livestock at poultry farming.

“Apart from encouraging the youth to consider entering the [agriculture sector], the said measure will also uplift and motivate agricultural research that it vital in the sector’s quest for development,” ayon sa HB 7572.

Leave a comment