
NI MJ SULLIVAN
Magkasunod na nilindol ang mga probinsya ng Davao Occidental at Davao de Oro ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos ng Phivolcs, dakong alas-4:10 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.7 na lindol sa layong 411 km timog silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 145 km at tectonic ang origin.
Samantala, dakong alas-6:37 ng umaga naman nang maramdaman ang magnitude 4.2 na lindol sa 012 km timog silangan ng New Bataan, Davao De Oro.
Mababaw lamang itong 001 km at tectonic ang origin.
Naitala sa intensity IV sa Nabunturan, Davao de Oro.
Kapwa wala namang naiulat na naging epekto ang nasabing magkahiwalay na lindol at wala na ring inaaasahang aftershocks sa susunod na mga araw.
