Kakulangan ng nurses sa bansa: Scholarship ang kailangan — solon

Rep. Ray Reyes

Ni NOEL ABUEL

Naniniwala si Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes na ang pagkakaroon ng scholarship at return service program para sa mga nursing students ay magbibigay ng “win-win solution” upang makatulong na matugunan ang kakulangan ng mga nurses sa bansa at mapalakas ang bilang ng mga aktibong rehistradong nurses sa bansa.

“This is a win-win solution. Our proposed scholarship scheme will definitely help those who wish to take up nursing in college and pursue it as a profession. The return service program, meanwhile, will develop our healthcare human resource to meet the needs of our citizens and ensure the adequacy of registered nurses in the country,” paliwanag pa ng kongresista.

“The low number of active registered nurses in the country is also a cause for alarm. This is another issue that we need to address aside from the exodus of our nurses abroad,” dagdag nito.

Sa datos ng Professional Regulatory Commission (PRC), ipinapakita na mula Marso 24, 2023, tanging 53.55 porsiyento ng 951,105 registered nurses sa bansa ang aktibo.

“The government must ensure that there is an adequate amount of health care workers at any given moment, in any municipality or community in the country. Additionally, the health and welfare of these health care workers must also be a priority,” ayon pa kay Reyes.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, tinataya ng Department of Health na may kakulangan ng 106,000 nurses sa bansa.

Bilang tugon, inihain ni Reyes ang House Bill No. 6631 o ang “Nursing Scholarship and Return Service Program Act,” na naglalayong magbigay ng mga iskolarsip sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa state universities and colleges obprivate higher education institutions sa mga rehiyon na kumukuha ng bachelor’s degree sa nursing.

Ang mag-aaral ay pagkatapos ay maglilingkod ng isa at kalahating taon para sa bawat akademikong taon ng scholarship na makukuha, sa kanyang probinsiya o munisipyo na ospital na itinakda ng Local Government Unit (LGU) at kinumpirma ng Department of Health (DOH).

Sa sandaling matapos na ng estudyante ang kanyang degree, kinakailangan din silang kumuha ng board examination sa loob ng maximum na panahon ng isang taon, kung saan ang gastos ay sasakupin.

“I hope that through this bill we can strike two birds with one stone by giving our aspiring nurses a chance at education and growth paired with regularized and secured positions during their service,” ani Reyes.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang DOH ay bibigyan ng tungkulin na tukuyin ang bilang ng mga nurses para sa bawat munisipalidad o lalawigan at magbibigay ng tamang integrasyon ng iskolar sa sistema ng public health and medical service system kabilang ang pagbibigay ng kinakailangang bilang ng mga plantilla positions upang ma-accommodate ang mga bagong nurses.

Sa parehong paraan, ang DOH ay gagawa ng isang landas sa karera upang mapahusay ang mga kakayahan at kasanayan ng mga iskolar.

“We want to make sure that each municipality or province have scholars that will provide service to their own towns, making sure that we have enough nurses evenly placed in all parts of the country,” sabi pa ng mambabatas.

Leave a comment